Fact: Normal lang magkaroon ng maitim at medyo bumpy na kilikili lalo na at marami sa ating mga Pilipino ang sanay sa shaving lalo na noong ating kabataan. Ngunit, aminin pa rin natin na nakakaasiwa tingnan ang maitim na kilikili lalo na tuwing summer kung kelan uso ang mga sleeveless at bikini. Kaya, basahin mo ito upang malaman ang mga epektibong paraan na pampaputi ng kilikili

Bago tayo magsimula, basahin mo muna ang maikling guide na ito upang malaman mo kung ano-ano ba ang sanhi ng maitim na kilikili.

Bakit nangingitim ang kilikili?

  1. Shaving – Ito ang pangunahing dahilan ng pag-itim ng kilikili. Marami sa atin ang pinipili ang paraan na ito dahil ito ang pinakamadali, mabilis, at murang paraan ng pagtanggal ng buhok. Ang madalas na shaving ay nagdudulot ng abrasion at iritasyon sa manipis na balat ng kilikili dahilan upang mangitim ito. Bukod dito, hindi rin effective ang shaving bilang pang-alis ng buhok dahil pinuputol lang nito ang buhok mula sa surface ng balat kaya maiiwan pa rin ang tuldok-tuldok na hair follicles na lalo pang magbibigay ng maitim na appearance sa kilikili.
  2. Deodorant – Halos lahat ay gumagamit ng deodorant upang maiwasan ang body odor at pagpapawis ng kilikili ngunit, isa rin itong rason upang mangitim ito. Marami sa mga deodorant ay nagtataglay ng alcohol at iba pang harsh chemicals na sa katagalan ay nagpapaitim ng kilikili. Ang mga deo na malakas ang amoy at mas mabango ay dapat iwasan dahil ito ang mga delikado. Laging piliin ang deo na may mild aroma at basahin ng maigi ang mga ingredients nito bago bumili.
  3. Lack of Exfoliation – Lagi tayong gumagamit ng sabon upang linisin ang ating mga kilikili araw-araw ngunit, alam mo ba na hindi sapat ang sabon lang para tanggalin ang mga dead skin cells na nag-accumulate rito. Marami sa atin ang walang alam na dapat mag-exfoliate ng kilikili dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Ang pinakamadaling paraan upang mag-exfoliate ay ang paggamit ng baking soda at tubig. Gamitin itong panghilod upang mawala ang maitim na kilikili.
  4. Pagsusuot ng masikip na damit – Ang pagsusuot ng masyadong masikip na damit ay nagdudulot ng friction sa damit at balat. Dahil ang ating kilikili ay sensitibong area, ang friction na ito ay nagiging dahilan upang magkaroon ng skin discoloration.
  5. Bacterial infection – Ang pawis sa kilikili ay isang ideal na lugar para sa pagdami ng bacteria. Ang mga taong matindi magpawis ay mas prone na magkaroon ng bacterial infection na maaring mauwi sa maitim na kilikili.

Ano-ano ang mga home remedies pampaputi ng kilikili?

Aloe Vera – Ang Aloe Vera ay may compound na tinatawag na “aloesin”. Ito ay nakakaapekto upang mabawasan ang melanin production ng katawan. Ang melanin ay isang pigment na nagbibigay kulay sa balat. Kapag mas mababa ang melanin production, mas maputi ang balat. Ang Aloe Vera ay mayroon din antibacterial properties at soothing properties na nakakapagpalambot ng balat.

Kumuha ng aloe vera leaf at hiwain ito. Alisin ang gel at direktang ipahid ito sa kilikili. Patagalin ng hanggang 15 minuto at banlawan. Upang maging effective, ulitin ang treatment na ito tuwing makalawa.

Lemon – Ang lemon ay isang epektibong pampaputi ng kilikili. Kilala ito sa kanyang natural bleaching properties. Ang citric acid na matatagpuan dito ay nakakatulong upang ma-exfoliate ang balat at matanggal ang naipon na dead skin cells. Mayroon din itong antibacterial at antiseptic properties na makakatulong laban sa bacterial infection.

Paghaluin ang 1 kutsarang plain yoghurt at 1 kutsarang lemon juice. Haluin ito ng maigi hanggang maging paste. Ilagay ito sa maitim na kilikili at dahan-dahan na i-massage sa loob ng 15-20 minuto. Banlawan ng tubig at patuyuin.

Maari rin na derechong ipahid ang lemon sa balat at patagalin ng 15-20 minuto. Para sa mas mabisang exfoliation, gumamit ng asukal. Gawin ito 3-4 na beses sa isang linggo upang pumuti ang iyong maitim na kilikili.

Apple Cider Vinegar – Ang ACV ay may acidic properties na nage-exfoliate ng kilikili. Kapag hinaluan pa ito ng rice flour na isang skin whitening agent ay siguradong achieve ang maputing kilikili. Bukod pa rito, may proteksiyon ka rin sa bacterial infection na maaring magdulot ng body odor.

Paghaluin ang rice flour at apple cider vinegar hanggang makabuo ng paste. Mag-shower sa maligamgam na tubig at patuyuin ang kilikili. Pagkatapos ay ilagay ang paste sa kilikili at hayaan itong matuyo. Banlawan din ng maligamgam na tubig. Ulitin ito ng 3 beses kada linggo upang mawala ang maitim at chicken skin na kilikili.

Gatas – Ang gatas ay mayroong lactic acid na kilala sa abilidad nito upang mabawasan ang pigmentation ng balat at mapaputi ito. May taglay din itong vitamins at fatty acids na makakatulong upang maging malambot ang balat.

Kumuha ng 2 kutsarang full fat cream milk, 1 kutsarang gram flour, at 1 kutsarang plain yoghurt. Haluin ito ng maigi hanggang makabuo ng smooth paste. I-apply ang paste sa maitim na kilikili at patagalin sa loob ng 10 – 15 minuto. Banlawan ng malamig na tubig. Ulitin ang home remedy na ito ng 3-4 na beses kada linggo para sa best results.

Maari mo rin paghaluin ang 1 kutsarang gatas at honey. Lagyan ito ng kaunting turmeric powder at ilang patak ng lemon juice. Haluin hanggang maging paste. Ipahid sa kilikili hanggang sa matuyo. Banlawan ng malamig na tubig at ulitin araw-araw.

Ito pa ang isang kamangha-mangha na pampaputi ng kilikili gamit ang gatas. Kumuha ng ilang strands ng saffron at ilagay ito sa 2 kutsarang gatas sa loob ng 15-20 minuto. Lagyan ng ilang patak ng honey at haluin. Ilagay sa maitim na kilikili sa loob ng 20-30 minuto. Banlawan gamit ang normal na tubig at gawin araw-araw.

Balat ng Orange – Ang orange peel ay nagtataglay ng mas maraming vitamin C kumpara sa mismong prutas nito. Ang Vitamin C ay lubos na nakakaapekto sa skin lightening. Isa itong skin exfoliator na nagtatanggal ng impurities ng balat gayundin ng dead skin cells. 

Balatan ang isang orange at patuyuin ang balat nito sa ilalim ng araw sa loob ng ilang araw. Kapag natuyo na ito, dikdikin hanggang maging powder. Kumuha ng 2 kutsarang orange peel powder at lagyan ito ng kaunting rose water at gatas hanggang maging paste. Gamitin ang paste na ito sa maitim na underarm area. Masahiin ng 10-15 minuto at banlawan ng maligamgam na tubig. I-pat dry ang kilikili gamit ang malambot na towel.