Bagama’t walang paraan para baguhin ang texture ng hair follicles, marami ka pa ring maaring subukan upang magmukhang mas makapal ang buhok at mabawasan ang hair breakage at hair loss.

Sa article na ito, ililista naming ang pitong natural treatments na pampakapal ng buhok na maari mong subukan sa iyong bahay.

Bakit numinipis ang buhok?

Marami ang dumaranas ng thinning hair o ang pagnipis ng buhok. Mas karaniwan ito sa mga lalaki ngunit, maari rin sa mga kababaihan. Ito ay maaring dulot ng mga sumusunod:

  • Pagtanda
  • Genetics o nasa lahi
  • Labis na paggamit ng hair products
  • Poor Nutrition
  • Allergic Reaction sa mga kemikals na ginagamit sa buhok
  • Karamdaman

Anuman ang dahilan nito, maraming treatments na pampakapal ng buhok ang maari mong subukan. Ngunit, mahalagang tandaan na hindi ito ang solusyon kung ikaw ay may karamdaman na nagdudulot ng thin hair gaya ng nutritional deficiency at alopecia.

Ano ang mga mabisang paraan pampakapal ng buhok?

Maraming mura at effective na paraan upang kumapal ang buhok ngunit, ang magiging resulta ay iba-iba depende sa tao.

1. Itlog

Ang itlog ay mayaman sa protina, isang mahalagang nutrient upang magkaroon ng matibay at makapal na buhok. Kung gagamitin palagi, ang egg treatment ay maaring makatulong upang kumapal ang iyong buhok.

Paano gumawa ng egg treatment?

  • Batihin ang isa o dalawang itlog
  • Ilagay ang itlog sa anit at mamasa-masang buhok
  • Patagalin ng 30 minuto
  • Banlawan ng maigi gamit ang maligamgam na tubig at mild shampoo

Maari mo rin ihalo ang itlog sa olive oil at tubig. Ganito ang method na ito:

  • Paghaluin ang 1 egg yolk, 1 tablespoon ng olive oil, at 2 tablespoon ng tubig
  • Ilagay sa anit at tuyong buhok
  • Patagalin ng 15 minuto
  • Banlawan gamit ang maligamgam na tubig at mild na shampoo

Ulit-ulitin ang egg treatment ng isa o dalawang beses kada linggo sa loob ng ilang buwan upang kumapal ang buhok.

2. Olive oil

Ang olive oil ay mayaman sa Omega 3 acids at iba pang nutrients na mahalaga upang mapanatiling healthy ang buhok. Kapag ipinahid direkta sa buhok, ang olive oil ay makakatulong upang kumapal at lumambot ang buhok. Ito rin ay maaring gamiting treatment sa dry scalp.

Paano gamitin ang olive oil?

  • Initin ang oil hanggang 37°C – 38°C
  • I-massage ang mainit-init na oil sa anit at buhok
  • Iwanan sa buhok ng mula 30 hanggang 45 minuto
  • Banlawan gamit ang mild shampoo

Ang ilan ay nilalagyan din ito ng honey. Kung gusto mo iwanan magdamag ang olive oil sa iyong buhok ay maari kang gumamit ng shower cap.

3. Masustansiyang diet

Ang pagkakaroon ng diet na mayaman sa protina, healthy fats, at iba’t ibang vitamins ay nakakatulong upang maiwasan ang pagnipis ng buhok, Sa katunayan, ang pagnipis ng buhok ay maaring senyales na hindi sapat ang nakukuhang nutrisyon ng isang tao.

Upang malabanan ang nutritional deficiency, subukang idagdag ang mga pagkain na ito sa iyong diet:

  • Salmon – mayaman sa protina at fatty acids
  • Itlog – mayroong protina, omega 3, at iron
  • Walnuts, Almonds, at Iba pang mani – sources ng fatty acids
  • Greek Yoghurt – mayaman sa protina
  • Green, Black, Pinto, at iba pang beans – mayaman sa protina

Idagdag ang 1 o 2 servings ng alinman sa mga pagkain sa iyong daily diet. Kahit 3 o 4 na servings kada linggo ay makakatulong upang mapaganda ang kalusugan ng iyong buhok.

4. Orange

Ang vitamin C, pectin, at acids na makikita sa oranges ay nakakatulong sa buhok sa iba’t ibang paraan.

Ang mga vitamins at nutrients na makukuha sa pagkain ng orange ay nakakatulong upang mas maging shiny ang buhok. Samantalang ang acids naman nito ay nagtatanggal sa mga residues mula sa mga hair products. Ang residues na ito ay maaring makaapekto sa tubo ng buhok. Kumpara sa ibang treatments, ang orange ay may mabagong amoy kaya mas enjoyable ang treatment

Paano gumawa ng orange puree?

  • Maari kang gumawa ng orange puree pang-hair treatment. I-blender lamang ang fresh oranges at masahiin sa buhok at anit. Ibabad ang buhok sa loob ng isang oras bago banlawan.
  • Ang ilang ay gumagamit ng conditioner upang ma-rehydrate ang kanilang buhok pagkatapos ng treatment.

5. Aloe vera gel

Ang aloe vera ay effective na pampaganda ng balat, anit, at buhok. Ang paglalagay ng aloe vera oil direkta sa anit at buhok ay nakakatulong upang maging matibay ang buhok at sa katagalan ay kumapal ito.

Maraming mga commercial hair products ang mayroong aloe vera. Ang mga produktong ito ay maaring nasa uri ng gel o cream na pwedeng direktang ipahid sa anit at buhok.

Para gumawa ng homemade solution, hiwain ang isang dahon ng aloe vera at kutsarain ang gel nito. I-massage ito sa anit at patagalin ng 30 minuto bago banlawan. Ang ilan ay hinahalo ang aloe vera sa coconut oil o olive oil.

Gawin ang treatment na ito isa o dalawang beses kada linggo.

6. Avocado

Ang avocado ay mayaman sa vitamin E at maaring gamitin pang-moisturizer. Gumawa lamang ng simpleng avocado rub at gawin ito dalawang beses kada linggo.

Paano gumawa ng avocado rub?

  • Paghaluin ang 1 avocado at 1 kutsarang olive oil
  • Ipahid ang mixture sa buhok at anit
  • Patagalin ng 30 minuto
  • Banlawan gamit ang mild shampoo

7. Castor Oil

Ang castor oil ay mayaman sa Vitamin E at fatty acids. Ang Vitamin E ay nakakatulong upang magkaroon ng smooth and silky na buhok.

Madali lamang gamitin ang castor oil pampakapal ng buhok. I-rub lang ang oil sa anit at buhok hanggang tuluyang mabalot ang buong buhok. Iwanan ito sa loob ng 30 minuto bago banlawan.

Konklusyon:

Mahalagang tandaan na iba-iba ang maaring maging resulta ng hair treatments depende sa indibidwal. Marami sa mga natural remedies para sa manipis na buhok ay walang sapat na pag-aaral.

Ang mga taong may allergies ay kailangan din mas maging maingat dahil ito’y maaring mag-trigger ng allergic reaction.

Kung ikaw naman ay nakakaranas ng biglaan at hindi maipaliwanag na paglalagas ng buhok, inirerekomenda na magpatingin agad sa doktor dahil maaring may medical na rason kung bakit ka nakakaranas nito.

Sa kabuuhan, ang mga natural home remedies na pampakapal ng buhok ay worth it na subukan. At marami rin ang nagsasabing naging mabisa ito.