Ang maitim na singit ay maaring maranasan ng lahat kahit ikaw ay maputi o maitim. Umiitim ang singit kapag masyadong marami ang produksiyon ng melanin, ang pigment na nagbibigay kulay sa balat. Ito ay tinatawag na hyperpigmentation. Ang pangingitim ng singit ay maaring umabot hanggang sa bikini area kaya ito’y nakakahiya lalo na kapag nagsusuot ng mga sexy na damit.

Sa article na ito, malalaman mo kung anong dahilan ng pag-itim ng singit at ano ang mura at mabisang paraan pampaputi ng singit.

Ano ang sanhi ng pag-itim ng singit?

Maraming dahilan kung bakit umiitim ang singit. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Chafing – Ito ang tawag kapag ang balat ay naiirita dahil sa friction sa pagitan ng balat at isa pang balat gaya ng sa mga singit. Madalas itong nangyayari habang nage-ehersisyo o naglalakad at maaring mauwi sa pagnipis, pangangati, at pangingitim ng balat.
  • Hormonal Imbalance – Karaniwan sa kababaihan ang umitim ang singit kapag nagpapa-suso, buntis, may dalaw, at yung mayroong polycystic ovarian syndrome (PCOS).
  • Gamot – Ang ilang gamot gaya ng hormonal oral contraceptives at chemotherapy ay maaring magpa-itim ng singit.
  • Pagbabad sa araw o sun exposure
  • Dry Skin
  • Pagsusuot ng masyadong masikip na damit
  • Acanthosis Nigricans – isang karamdaman kung saan kumakapal at nagdi-discolorized ang balat
  • Diabetes

Ano-ano ang mga effective home remedies pampaputi ng singit?

Coconut oil at Lemon Juice

Ang lemon ay punong-puno ng vitamin C na panlaban sa hyperpigmentation samantalang ang coconut oil naman ay isang moisturizer na nakakatulong upang mapanatiling malambot ang nga singit.

Paano gumawa ng coconut oil at lemon juice scrub?

  • Ihalo ang ilang kutsarang coconut oil sa katas ng kalahating lemon
  • Ilagay ang mixture sa maitim na singit at masahiin sa loob ng higit 10 minuto
  • Banlawan ng maigi

Sugar scrub

Ang asukal ay nakakatulong upang ma-exfoliate ang balat. Ang regular na pag-exfoliate ay maaring makatulong upang pumuti ang maitim na singit na dulot ng buildup ng maraming dead skin cells.

Paano gumawa ng sugar scrub?

  • Paghaluin ang isang fresh lemon juice, isang kutsarang asukal, at isang kutsarang honey.
  • Dahan-dahang i-masahe ang scrub sa apektadong lugar
  • Banlawan ng maigi upang maalis ang natirang sugar scrubs.
  • Gawin ito 2-3 beses kada linggo

Oatmeal Yoghurt Scrub

Ang oatmeal ay subok na remedy para sa eczema at iba pang kondisyon sa balat. Maari rin itong gamiting pang-exfoliate at ito ay mas gentle kumpara sa asukal. Ang yoghurt naman ay maytong lactic acid na nakakatulong upang mapaputi ang balat. May iba pang benepisyo ang yoghurt ngunit hindi pa sapat ang pag-aaral dito.

Paano gumawa ng oatmeal scub?

  • Haluin ang parehong dami ng oatmeal at plain yoghurt hanggang sa maging paste ang consistency nito.
  • Ilagay ang paste sa maitim na bahagi ng balat at masahiin ito
  • Banlawan ang paste ng maigi
  • Ulitin araw-araw o tuwing makalawa

Cucumber

Ang cucumber ay nagpapalambot sa balat at nakakatulong din upang mabawasan ang iritasyon at pamamaga nito. Kung ang iyong maitim na singit ay dahil sa constant na chafing o dry skin, cucumber ang pinakaminam na solusyon dito.

Paano gumawa ng cucumber scrub

  • Palamigin muna ang cucumber at pagkatapos ay hiwain ito sa dala
  • I-blender ang kalahating cucumber at ipahid ito sa singit
  • Patagalin ng mula 20-30 minuto
  • Banlawan ng maigi at ulitin araw-araw

Baking soda

Ang baking soda ay nakakatulong upang pumuti at ma-exfoliate ang balat ngunit, kailangan maging maingat sa paggamit nito dahil ang sobrang baking soda ay matapang sa balat.

Paano gumawa ng baking soda scrub?

  • Paghaluin ang sapat na dami ng baking soda at tubig
  • Ipahid sa singit hanggang ma-cover ang buong area nito
  • Patagalin hanggang 15 minuto at pagkatapos ay banlawan ito.

Aloe vera

Ang natural na aloe vera gel or alinmang aloe vera-based na produkto ay nakakatulong upang gumanda ang kalusugan ng balat. Ang Aloe ay mayroong aloin na nakakapagpaputi sa balat. Ipahid ito gaya ng lotion at hayaan lang ito sa balat hanggang matuyo. Hindi mo ito kailangan banlawan.

Potato rub

Ayon sa tradisyunal na paniniwala, ang pagpapahid ng patatas sa balat ay nagpapaputi sa mga dark spots. Ito ay dahil ang patatas ay mayaman sa enzyme na catecholase na may kakayahang magpaputi ng balat.

Paano gamitin ang potato rub?

  • Maghiwa ng patatas
  • Ipahid ang patataas sa maitim na bahagi ng singit ng mula 15 minuto at mas matagal pa
  • Marahan banlawan ito

Turmeric

Ang Turmeric ay may active component na curcumin na nakapagpapabagal sa melanogenesis o ang paggawa ng melanin na siyang nagpapa-itim sa balat.

Paano gumawa ng turmeric paste?

  • Lagyan ng ilang patak ng tubig ang isang kutsara ng turmeric powder
  • Haluin ito ng maigi hanggang sa makabuo ng paste
  • Ilagay ang paste sa maitim na singit
  • Patagalin ito ng 20-30 minuto
  • Banlawan ng maigi at ulitin araw-araw

Ano ang gamot sa maitim na singit?

Maraming Over-the-counter (OTC) treatments ang pwede mong gamitin pampaputi ng singit. Ang ilan dito ay gawa sa natural na ingredients na may kakayahan upang bawasan ang pigmentation ng balat. Ayon sa American Academy of Dermatology, may apat na substances ang madalas na ginagamit pampaputi ng balat at ang mga ito ay ligtas at hindi masyadong nagdudulot ng allergic reaction:

  • Soy
  • Niacinamide
  • Ellagic Acid
  • Lignin Peroxidase

Ang mga sumusunod naman ay popular pa rin na OTC treatments na pampaputi ngunit maaring magdulot ng allergic reaction sa ilan.

  • Arbutin
  • Kojicnacid
  • Licorice

Kausapin ang iyong dermatologist bago gumamit ng anumang OTC product na pampaputi ng singit. Makakatulong sila upang malaman kung ikaw ba ay may sakit na siyang dahilan ng pag-itim ng iyong singit at kung wala naman ay maari silang magrekomenda ng produkto na angkop sa iyong balat.

Paano maiiwasan ang pag-itim ng singit?

Kung ikaw ay at risk sa pagkakaroon ng maitim na singit, gawin ang mga sumusunod upang maiwasan ito:

  • Maiiwasan ang chafing sa pamamagitan ng pagsusuot ng bicycle shorts o nylon stockings sa ilalim ng mga palda o dress
  • Panatilihing malinis at well exfoliated ang singit upang maiwasan ang buildup ng dead skin cells
  • Magsuot ng maluwag na damit upang maiwasan ang matinding pagpapawis at friction
  • Iwasan ang madalas na shaving o waxing ng singit
  • Laging maglagay ng lotion na SPF 30 o mas mataas pa kapag lumalabas at iwasan din na magbabad sa araw

Leave a Comment

18 + 6 =