Hindi alam ang tiyak na sanhi ng pagkakaroon ng balakubak. Ang mga posibleng dahilan nito ay ang mas mataas na oil production lalo na sa panahon ng puberty at ang mas mataas na dami ng yeast sa balat.

Ayon sa pag-aaral hindi bacteria ang sanhi ng balakubak. Hindi rin ito isang fungal infection at hindi pareho sa ringworm sa anit na dulot ng fungus na tinea capitis. Ang dandruff ay hindi rin nakakahawa. Karaniwan kahit simpleng anti-dandruff shampoo lamang na mabibili sa sari-sari store ay sapat ng gamot sa balakubak ngunit, kung masyadong matindi ito kailangan mo maghanap ng mas concentrated na dandruff shampoos sa mga drugstores.

Ang pagkakaroon ng dandruff ay maaring mas palalain pa ng poor hygiene practices at ang hindi regular na paggamit ng shampoo. Maari rin makaapekto ang immune system. Bagama’t normal lamang sa mga taong may malakas na immune system ang pagkakaroon ng dandruff, ito ay mas malala sa mga taong may chronic illness tulad ng Parkinson’s disease at sa mga may HIV/AIDS.

Bakit nagkakaroon ng balakubak?

Seborrheic dermatitis – Ang mga taong mayroong seborrheic dermatitis ay mayroong oily at irritated skin kaya mas mataas ang posibilidad na magkaroon sila ng dandruff. Naapektuhan ng seborrheic dermatitis ang iba’t ibang bahagi ng balat. Kabilang dito ang likod ng tenga, dibdib, kilay, at gilid ng ilong. Ang balat ng mga taong may seborrheic dermatitis ay namumula, oily, at puno ng tila puti o dilaw na kaliskis.

Ang seborrheic dermatitis ay halos katulad ng Malassezia, isang fungus na tumitira sa anit at kumakain sa langis na inilalabas ng hair follicles. Madalas hindi ito nagdudulot ng problem liban na lamang kung ito ay maging overactive dahilan upang mairita ang anit at mag-produce ng extra skin cells.

Ang mga skin cells na ito ay mamatay at kalaunan ay malalaglag, hahalo ito sa oil ng buhok at anit at mabubuo ang dandruff.

Hindi pagsusuklay – Ang regular na pagsusuklay ay nagpapaliit sa posibilidad na magkaroon ng balakubak dahil ito ay nakakatulong sa pagtanggal ng dead skin cells na maaring maging balakubak.

Paggamit ng low quality na shampoo at skin care products – Ang ilang hair care products ay maaring mag-trigger ng pamumula, pangangati, at pagbabalat ng anit. Ang masyadong madalas na pagsha-shampoo ay maari rin magdulot ng dandruff dahil maari nitong mairita ang anit.

Skin conditions – Ang mga taong may psoriasis, eczema, at iba pang skin disorders ay mas mataas ang chance na magkaroon ng dandruff kumpara sa iba. Ang Tinea capitis, isang fungal infection na kilala rin sa tawag na scalp ringworm ay nagdudulot ng dandruff.

Edad – Ang pagkakaroon ng balakubak ay mas madalaas sa mga kabataan ngunit, maari rin makaapekto sa matatanda. Mas apektado rin ang kalalakihan kumpara sa mga babae kaya maaring dahil din ito sa hormones.

Stress – Mayroong connection ang stress sa pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng skin problems.

Diet – Ang hindi sapat na pagkain ng mga pagkaing mayaman sa zinc, B vitamins, at ilang uri ng fats ay nagpapataas sa posibilidad ng pagkakaroon ng dandruff.

Ano ang mga home remedies sa dandruff?

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng balakubak, kailangan pabagalin ang reproduction ng skin cells o kaya ng yeast production na posibleng sanhi nito.

Ang strategy na gagawin ay depende sa edad ng pasyente at sa tindi ng kondisyon ngunit, may ilang lifestyle changes at home remedies na maaring gamot sa balakubak. Ito ay gaya ng mga sumusunod:

  • Iwasan ang stress – Ang pagiging stress ay maaring magdulot ng dandruff. Subukan na iwasan ang mga bagay na nagbibgay stress.
  • Mas madalas na mag-shampoo – Ugaliin ang regular na pagsha-shampoo lalo na kung ikaw ay may oily na buhok at anit.
  • Iwasan ang pagbabad sa araw – Gumamit ng payong kapag lalabas at huwag magpapainit lalo na sa tanghali.
  • Tea tree oil – Bagama’t hindi sapat ang pag-aaral na nagsusuporta sa tea tree oil bilang gamot sa balakubak, marami ang nagsasabi na naging effective sa kanila ito upang mabawasan ang pangangati na dulot ng dandruff. Maging maingat nga lamang dahil maari itong magdulot ng allergic reactions sa ilan.
  • Apple cider vinegar – Maari rin gamitin ang apple cider vinegar bilang natural remedy sa dandruff. Ihalo ito sa tubig at i-massage sa iyong anit. Ang acidity ng apple cider vinegar ay nakakatulong upang maalis ang dead skin cells sa anit at ito rin ay mabisang panlaban sa fungus.

Ano-ano ang mga effective na gamot sa balakubak?

Kapag hindi gumana ang regular na shampoo, palitan ito ng shampoo na sadyang ginawa laban sa dandruff. Maari mo itong mabili sa mga drugstores. Ngunit, hindi lahat ng anti-dandruff shampoo ay pare-pareho. Maaring kailanganin mo munang mag-eksperimento ng iba’t ibang produkto hanggang sa makita mo ang siyang pinaka-effective para sa iyo.

Ang mga dandruff shampoo ay nauuri depende sa kanilang sangkap:

  • Pyrithione zinc shampoos – Ito ay mayroong antibacterial at antifungal ingredient na zinc pyrithione. Binabawasan ng ganitong uri ng shampoo ang fungus sa iyong anit na maaring magdulot ng dandruff at seborrheic dermatitis.
  • Tar-based shampoos – Ang Coal tar ay isang byproduct ng coal manufacturing process, ito’y nakakatulong sa iba’t ibang kondisyon gaya ng dandruff, seborrheic dermatitis at psoriasis. Pinapabagal nito ang pagpapalit ng skin cells ng iyong anit. Ang shampoo na ito ay maaring magdulot ng discoloration lalo na kung ikaw ay may light-colored na buhok.
  • Shampoos na mayroong salicylic acid – Kilala rin sa tawag na “scalp scrubs”, ang mga shampoo na ito ay nakakatulong upang mawala ang tila mapuputing kaliskis na dulot ng dandruff. Ito ay nakaka-dry ng buhok kaya gumamit ng conditioner pagkatapos.
  • Selenium sulfide shampoos – Pinapatagal nito ang buhay ng mga skin cells sa anit at isa rin itong panlaban sa fungus na Malassezia. Maari itong makaapekto sa kulay ng buhok kaya basahin ng maigi ang instructions na nakasulat sa produkto at banlawan ng maigi.
  • Ketoconazole shampoos – Ang ketoconazole ay isang antifungal agent na maaring gamitin kung hindi pa rin naging mabisa ang ibang shampoos. Maari itong i-reseta ng doktor o hindi kaya ay mabili over-the-counter.

Basahin ng maigi at sundin ang mga instructions na nakalagay sa mga produktong iyong gagamitin. Ang ilang shampoo ay kailangan patagalin sa loob ng ilang minuto samantalang ang ilan ay kailangan banlawan agad.